Ikaw Lang

South Border

Heto na naman, nag-iisip minsa'y nagtataka,
Nasa 'kin na'ng lahat bakit nangungulila…oh…
At nang makita ka, ibang sigla aking nadarama,
Pag-ibig nga ba ito, ako'y nangangamba…oh…

Nais kong ipagtapat sa 'yo,
Sana'y dinggin mo ang lihim na pusong ito,
Kahit na tayo'y magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap,
Kaytagal na ako'y nangarap,
Lumuluhod,nakikiusap,
Ako ay mahalin, mo sinta,
Ikaw nga ang siyang magbabago,
Sa akin, sa aking buhay,
Handang iwanan ang lahat,
Upang makapiling ka, sinta…oh…

Nang makilala ka,
Ibang saya aking nadarama,
Alam kong pag-ibig ito,
Anong ligaya…oh…

Nais kong ipagtapat sa 'yo,
Sana'y pagbigyan, dinggin ang puso kong ito,
Kahit na tayo'y magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap,
Kaytagal na ako'y nangarap,
Lumuluhod,nakikiusap,
Ako ay mahalin, mo sinta,
Ikaw nga ang siyang magbabago,
Sa akin, sa aking buhay,
Handang iwanan ang lahat,
Para lang sa'yo, sinta,
Upang makapiling ka, sinta.
End


Posts relacionados

Ver mais no Blog


Mais músicas de South Border

Ver todas as músicas de South Border