Aprenda inglês com a maior plataforma de letras de músicas da América Latina
Participar

Ang Huling El Bimbo

Eraserheads

Kamukha mo si paraluman
'Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
Nguni't ang paborito
Ay pagsayaw mo ng el bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw,
Nakakatindig balahibo

'Pag kagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Chorus:
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig nang tunay

Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At ang pungay ng iyong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang-dahan dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

[Chorus]

La la la la... La la... la la la la la...

Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Nguni't walang asawa

Tagahugas ka raw ng pinggan
Sa may ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

[Chorus 2x]

La la la la... La la... la la la la la...
La la la la... La la... la la la la la...

Revisão por Juan.
Viu algum erro? Envie uma revisão.

Você não precisa da tradução para entender essa letra!

Participe do evento e aprenda inglês com música

Quero participar

Posts relacionados

Ver mais no Blog


Mais músicas de Eraserheads

Ver todas as músicas de Eraserheads